The CHARI Project

On April 12, 2024, on the island of Burias, province of MASBATE, in the town of San Pascual, barangays of BOLOD and TERRAPLIN will be the site of the Grace on Board CHARI project of Dios Mabalos Po Foundation.

The livelihood project, a disaster response, in Palawan was named after Chari, the mom of Ray Tchou who married a Scholastican named Teresita Miranda.

After Typhoon Odett, Tess and Med, friends since 1965, responded to the call for livelihood support for victims of the disaster. The call came from Bp Broderick Pabillo of the Apostolic Vicariate of Taytay in Palawan for two sea ambulance boats in the parishes of Araceli and San Juan Bautista. ADRA /CDC also identified 50 village de sagwan bancas serving Bohol and PNNI Community Service boats.

NAVFORSOL’s. LT Orlan Orosco Identified villages of fisherfolk in Masbate and approached DMPF chairperson Mediatrix Villanueva to offer a community relations partnership in Masbate.

92 fisherfolk with their boats will gather for a ceremony showing their newly painted boats marked with the logo of NAVFORSOL, DMPF and CHARI.

Read the article below to learn more about the namesake of CHARI:

SA ALAALA NI CHARI

Raymond Raoul Tchou

Ang aking ina, si Charlotte Elizabeth Frey, na pinalayawang CHARI, ay isinilang at lumaki sa isang nayon ng Ungria, na ngayo’y sakop ng bansang Slovakia. Siya’y naging isang kumadrona at nagtatrabaho sa siyudad ng Paris sa bansang Francia nang makilala niya ang aking ama, si Peter Tchou, isang empleyado sa Konsulado ng Tsina. Nagmahalan silang dalawa at nagpakasal kahit my babalang maaaring dumating ang giyera (World War II). Tumakas ang aking mga magulang nang pasukin ng mga Aleman ang Paris. Ako ay ipinanganak sa Lyon, Francia, ang unang lugar na tinuluyan nilang pansamantala. Tumigil din kami sa Portugal, South Africa, at India sa aming paglakbay pabalik sa Tsina. Duon naghihintay ang pamilya ng aking ama upang mailibing sa wakas ang aking namatay na lolo, ayon sa kanilang kaugalian.

Ang aking ama ay nakahanap ng trabaho sa Shanghai. Duon ako lumaki at sa mga sumunod na taon ay nabuhay kaming mapayapa sa paligid ng mga ibang banyaga na nakatira sa Shanghai nang panahong iyon.

Nuong 1949, sinalakay ng hukbo ni Mao Zedong ang buong Tsina at naitatag ang People’s Republic of China sa pamamahala ng Partidong Komunista. Hindi makaalis ang aking mga magulang sapagka’t buntis ang aking ina sa kapatid kong si Patrick. Sa mga sumunod na taon, naranasan namin ang kalupitan at karahasan ng bagong gobyerno, lalo sa mga mamamayang may pinag-aralang pangkanluran o Kristiyano, gaya ng aking ama. Bagama’t kami rin ay naghihirap, nagsikap ang aking inang si Chari na tulungan ang mga kaibigan niyang nakakulong, nagugutom at maysakit, o sinumang nangangailangan, gaya nang pagpapasuso niya sa mga sanggol ng mga inang walang gatas. Kahit tinanggian siya nang maraming beses ng gobyerno, hindi siya tumigil na humanap ng paraang maisama niya sa kaniya ang buong pamilya sa pag-alis sa Tsina. Sa gitna ng kadiliman sa aming buhay nuong panahong ito, si Chari ang naging ilaw ng kabutihan at kabayanihan at sinag ng pag-asa sa amin at sa maraming iba.

Ang sinag na ito ay mas lumiwanag nuong 1959 nang sa wakas, sa tulong ng Amerika at iba pang mga gobyernong pangkanluran, kami’y nakatanggap ng permisong makalabas ng Tsina at tumuloy sa isla ng Macao na ari ng bansang Portugal. Sa Macao, maraming tumulong sa amin, kakila man o hindi, na pagalingin ang aking inang nagkasakit sa nerbiyos, magsikap mabuhay, at humanap ng magtatangkilik sa amin sa pagtira sa ibang bayan. Nuong 1962, nagkabunga ang masigasig na pagsisikap ng aking ina nang matagpuan namin ang aking tiyahin sa Amerika pagkatapos ng maraming taong pagkawala. Sa tulong niya at ng maraming organisasyong gaya ng Catholic Charities, kami’y naisakay sa isang barkong patungo sa Amerika.

Marami kaming dinaanang hirap at alinlangan sa aming panibagong buhay sa Amerika dahil sa aming karukhaan at kakulangan ng kaalamang magsalita ng Ingles. Gayunpa man, pagkatapos ng ilang taon, nakakuha ng matatag na trabaho ang aking mga magulang sa Cleveland, Ohio. Duon kami nagtira, namuhay at nagsikap, gaya ng maraming imigranteng tulad namin. Nag-aral kami ng aking kapatid, ako’y nagsilbi sa hukbo ng Estados Unidos, at kami’y nagsipag-asawa at nagkaruon ng pamilya. Kaunti man ang aming kakayahan, hindi tumigil si Chari na magpadala ng tulong sa aming mga kaibigang naiwan sa Tsina.

Nuong 1995, ang aking kapatid na si Patrick ay naparangalang isa sa mga pinakamahusay na doktor sa Cleveland. Si Patrick ay naging espesyalista sa puso at nagtatrabaho sa Cleveland Clinic. Ito rin ang ospital na napasukan ni Chari bilang isang tagalinis. Napakahirap man ng kaniyang trabaho, malaki ang pagmamalaki at pasasalamat ni Chari na ang mga sahig na kaniyang nililinis araw-araw ay siyang dinaraanan ng kaniyang anak upang makapagpagaling o magligtas ng buhay ng tao.

Sa bawa’t pagdaong at paglayag ni CHARI, dala niya ang alalala ng kabutihan at kabayanihan ng isang ina, kapatid, kaibigan, at tagapagbigay, pati ng maraming taong nagsitulong upang ang aming pamilya ay mabuhay at umunlad.

Ipagdarasal po naming sana’y makapagsilbi si CHARI nang mabuti at matagal at

sana’y lahat ng makasakay kay CHARI ay pagbiyayaan ng pag-asa, pagmamahal, kalakasang at kawanggawang-looban.


Posted

in

by

Tags:

Comments

Leave a Reply